Ni Lyka Manalo

BATANGAS CITY, Batangas - Dinakip ng pulisya ang isang security guard matapos itong mag-apply ng police clearance hanggang nabisto ang criminal record nito kaugnay ng pananaksak sa isang binata sa Batangas City, anim na taon na ang nakararaan.

Nakakulong ngayon sa Batangas City Police si Jovel De Jesus Jr., 27, ng Barangay Dumantay, Batangas City.

Sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), inaresto ang suspek habang nagpoproseso ng police clearance sa nasabing istasyon ng pulisya nitong Martes ng hapon.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sa record ng pulisya, may arrest warrant si De Jesus mula sa sala ni Judge Florencio Arellano ng Regional Trial Court (RTC), Branch 1, Batangas City na may petsang Disyembre 17, 2012 kaugnay ng pananaksak nito sa isang 17-anyos sa isang resort sa Bgy. Cuta, noong 2012.