Ni Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Sisilipin ng pulisya ang mga nilalaman ng cell phone ng napatay na dating executive secretary ni Nueva Ecija Gov. Czarina Umali upang makatulong sa pagresolba sa kaso.

Inihayag ni Nueva Ecija Police Provincial Office director Supt. Eliseo Tanding na hinahanap pa nila ang box ng cell phone ni Mary Anne Guevarra Hernandez, 38, dating chief administrative officer ni Umali, sa posibilidad na makakuha rito ng impormasyon, katulad ng mga text message, na malaki ang maitutulong sa kaso.

“Pre-paid kasi at hindi post-paid, kaya bigo kaming mabuksan ito, maging ang Anti-Cyber Crime Unit,” sabi ni Tanding.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Matatandaang pinagbabaril ang sasakyan ni Hernandez sa tapat ng isang gasolinahan sa Purok 7, Barangay Marcos, na ikinasawi niya at ikinasugat naman ng kanyang mister na si Carlito Domingo Hernandez, kasama ang dalawang anak at tatlong kaanak.

Nakasuhan sa insidente sina Anastacio Geron, 47 anyos; Armando Antolin Geron, alyas “Ulupong”, 26; at Reynaldo Nicolas Iglesias, 50, ng Barangay Tondod, San Jose City.