Ni Mary Ann Santiago

Patay ang isang retiradong nurse makaraang masagasaan ng sasakyan habang tumatawid sa Pasig City, nitong Sabado ng umaga.

Naisugod pa sa Rizal Medical Center si Feliciana Haresco Eraldo, 76, ngunit binawian din ng buhay sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Kaagad namang sumuko sa awtoridad ang suspek na si Carmelino Gabasa Sebovia, Jr. 57, at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Sa ulat na ipinarating kay Eastern Police District (EPD) Director Police Chief Supt. Reynaldo Biay, nangyari ang insidente sa M. Concepcion Street, sa Barangay San Joaquin ng nasabing lungsod, bandang 9:00 ng umaga.

Tumatawid umano ang biktima sa lugar nang masagasaan ng Toyota Avanza (YS 5138), na minamaneho ni Sebovia.

Isinugod ni Sebovia ang biktima sa pagamutan, ngunit binawian ng buhay bandang 4:57 ng hapon.