Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY - Sugatan ang dalawang babae nang saksakin ang mga ito ng nanloob sa inuupahan nilang bahay sa Tarlac City, kahapon ng madaling-araw.

Ipinahayag ni PO2 Marben Dayrit, ng Tarlac City Police, na nakaratay pa ngayon sa ospital sina Juanita Tamio, 52, ng Barangay San Roque, Tarlac City; at MJ Sabatin, 25, ng nabanggit ding lugar, matapos silang magtamo ng mga sugat sa katawan.

Nakapiit naman ngayon sa himpilan ng pulisya si Dennis Villamor, 33, binata, ng Bgy. Luzviminda 1, Cavite na nangungupahan din sa naturang lugar.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon kay Dayrit, dakong 3:30 ng madaling-araw nang pasukin ng suspek ang kuwarto ng mga biktima na pinagsasaksak nito nang pumalag.