Magandang balita sa mga motorista.

Matapos ang anim na sunud-sunod na dagdag-presyo sa petrolyo, asahan ang big-time oil price rollback sa bansa ngayong linggo.

Sa taya ng Department of Energy (DoE), posibleng bumaba ng P1 hanggang P1.35 ang kada litro ng diesel, P1 hanggang P1.10 sa gasolina, at 80 hanggang 90 sentimos naman sa kerosene.

Ang nagbabadyang bawas-presyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pebrero 6 huling nagtaas-presyo ang mga kumpanya ng langis nang magdagdag ng 60 sentimos sa kada litro ng kerosene, 50 sentimos sa gasolina, at 35 sentimos sa diesel. - Bella Gamotea