Ni Leandro Alborote

GERONA, Tarlac - Dinakma ng mga miyembro ng Gerona Police ang isang umano’y drug pusher, sa buy-bust operation sa Barangay San Antonio sa Gerona, Tarlac, nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ni Chief Insp. Jonathan Taliwan, hepe ng Gerona Police, ang suspek na si Ernest Narito, 33, binata, ng Bgy. Poblacion 1, Gerona.

Nakumpiska umano mula sa suspek ang tatlong transparent plastic sachet na may hindi pa matiyak na gramo ng shabu, kapalit ng P500 marked money.
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog