Ni ADOR SALUTA

MATAGAL nang nakakaramdam ng abdominal pains si Vice Ganda, kaya nitong nakaraang Sabado, sumailalim siya sa operasyon para tanggalin ang kan yang kidney stones sa isang ospital na hindi pinangalanan.

VICE GANDA copy

Matagal nang iniinda ng It’s Showtime host ang pananakit ng tiyan na nang ipasuri sa kanyang doktor, nalamang kidney stones ang sanhi. Lumubha kasi ang kanyang abdominal pains nitong ilang linggong nakaraan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Tiyak na mami-miss ng madlang pipol si Vice sa It’s Showtime dahil matagal-tagal din siyang magpapahinga para maka-recover nang husto.

Naapektuhan maging ang kanyang concert sa Kannawidan Festival sa Tamag Open Grounds saVigan, Ilocos Sur. Agad nitong ipinakansela.

Humingi ng pang-unawa si Vice sa mga Ilocanong naunsyaming makita siya ng personal. Nagpahatid din ng pasasalamat si Vice sa lahat at nangako na kanyang ire-reschedule ang pagbisita sa Ilocandia once na naka-recover na siya sa kanyang karamdaman.

Bagamat wala si Vice last February 3 sa Kannawidan Festival, itinuloy pa rin ng concert producer ang event.