Kris Bernal
Kris Bernal
MAIKLI na ang buhok ni Kris Bernal nang makita namin sa last night ng burol ni Direk Maryo J. delos Reyes. Nakakahiya namang tsikahin siya sa burol, kaya sa social media na lang namin binasa ang rason kung bakit siya nagpagupit.

“After nearly a decade, I decided it’s finally time to cut my hair short. I can’t remember the last time I got my hair cut, because people often tell me it won’t suit me when it’s short cause I will look more ‘Nene’. But hey, this is freedom!”

Right timing lang ang pagpapagupit ni Kris dahil tapos na ang taping ng Impostora at wala nang proproblemahing continuity. In fact, last week na ngayon ng Afternoon Prime at last week na ring mapapanood ng viewers sina Nimfa at Rosette na tumatak sa viewers ang dalawang karakter, kaya tiyak na matatagalan bago sila makalimutan.

“Mami-miss ko pareho ang dalawang karakter na ‘yun. Mami-miss ko ang kabaitan at pagiging gentle ni Nimfa at mami-miss ko ang kasamaan, ang kamalditahan ni Rosette. Magkaibang challenge ang ibinigay sa akin ng dalawang karakter na ‘yun. Inilabas ang pagka-aktres ko at ang sarap gawin,” wika ni Kris. --Nitz Miralles
Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos