Max, Migo, Lovi at Rhian
Max, Migo, Lovi at Rhian
ANG ganda ng nabuong friendship nina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos dahil sa The One That Got Away at makakasiguro ang fans ng tatlo na kahit tapos na ang sexy rom-com series, magiging magkaibigan pa rin sila. Sila ang tipong gagawa ng paraan para magkita-kita just to drink coffee, joke around, exchange stories at magtsismisan.

Kuwento nga ni Max, kung nag-aaway-away man sila sa harap ng camera, iba ang nangyayari off-cam. 

“Kapag break time, wala kaming ginawa kundi magkuwentuhan at magtawanan. Ang ingay namin at minsan, sinasaway na kami. Nahihiya nga kami kay Dennis (Trillo) dahil tahimik siya at baka naiingayan. Hindi namin maiwasang tatlo na magtsikahan,” ani Max.

  

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

May posts si Lovi ng photos nilang tatlo na nagtatawanan at ang caption, “Reel or real? When laughing on screen is not acting anymore... because these girls just crack me up every time! #TOTGA.”

  

Hindi lang silang tatlo ang naging close, pati sina Rhian at Migo Adecer na gumaganap na brother ni Rhian sa TOTGA, close na rin. May video kaming napanood na nagdya-jamming sila ng rap song at pagkatapos, nagtawanan.

  

Nabanggit din ni Jason Abalos na madali niyang nakasundo ang three girls at nakakakuwentuhan lalo na si Rhian dahil pareho silang mahilig sa car racing.

  

Matagal-tagal pa ang taping ng TOTGA, marami pang friendship ang mabubuo sa cast at hindi nakakagulat kung pagdating ng last taping day, magkaiyakan sila.

  

Samantala, sa episode this Monday sa TOTGA, magsasanib-puwersa sina Alex (Lovi), Darcy (Max) at Zoe (Rhian) na pigilan ang kasal nina Liam (Dennis) at Chanel (Sophie Albert). Riot ang eksena ng tatlo na darating sa kasal in black gown. --Nitz Miralles