Ni Leandro Alborote

CAPAS, Tarlac – Dalawang umano’y pangunahing drug pusher sa kanilang lugar ang nasakote sa buy-bust operation ng pulisya, nitong Sabado ng hapon.

Ang sinasabing magpinsan na sina Jerico Pulido, 18, at alyas “Jimboy”, nasa hustong gulang, kapwa taga-Barangay Sto. Domingo 1st, Capas, ay nakakulong ngayon sa himpilan ng Capas Police.

Binanggit ng imbestigador na nakatanggap sila ng impormasyon na talamak umano ang pagbebenta ng dalawa ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang lugar, kaya naglatag ng operasyon ang pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog