Ni Marivic Awitan

Mga Laro sa Martes

(Filoil Flying V Centre)

11 n.u. -- LPU vs JRU (Women)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

12:30 n.h. -- p.m. – UPHSD vs CSB (Women)

TUMATAG ang University of Perpetual Help sa kanilang pagkakaupo sa ikatlong puwesto matapos pataubin ang Letran, 19-25, 25-20, 25-23, 25-10 kahapon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 93 volleyball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Dahil sa panalo, umangat ang Lady Altas sa markang 6-2, kasunod ng Arellano (8-1) at San Beda (7-1).

Kailangan nilang talunin ang College of St. Benilde sa huling elimination match sa Martes upang pormal na umusad sa Final Four round at hindi na dumaan ng playoffs.

Nagtala ng 17 puntos si Cindy Imbo ,16 dito galing sa hits habang nagposte naman si Bianca Tripoli ng 10 hits, dalawang blocks at limang service aces para pamunuan ang panalo ng Lady Altas.

Ang kabiguan nila sa Lady Blazers ay magtatabla sa kanila sa markang 6-3, na posible na mauwi sa triple tie kung magwawagi ang Jose Rizal University kontra Lyceum of the Philippines University sa Martes.

Base sa format, babasagin ang tie sa pamamagitan ng playoff para alamin ang huling dalawang koponang papasok at makakasama ng mga naunang semifinalists Arellano at San Beda.