maxey copy

DAVAO CITY – Inihahanda na ng Philippine Sports Commission at Philippine Sports Institute (PSC-PSI) ang grassroots sports program sa Mindanao sa ilalargang consultative meeting at coaches’ education sa Digos City at Panabo City ngayong Pebrero.

Ayon kay PSC Commissioner at Mindanao project head Charles Raymond A. Maxey, buo na ang programa at inaayos na lamang ang mangilan-gilang detalye para sa dalawang panimulang programa para sa Mindanao.

“We are ironing out the grassroots programs that will be conducted in Mindanao but we will go full blast by February and March. It’s not easy to prepare and run programs as it will have to go through a long process especially when purchasing is required),” pahayag ni Maxey, tulad ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez ay nagmula sa Davao City.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Iginiit ni Maxey na aprubado na rin ng PSC Board ang pagbuhay sa Mindanao Friendship Games, gayundin ang Mindanao Children’s Beach/Coastal Games.

Kasalukuyang, inihahanda ng ahensiya ang kinakailangang budget sa programa na isinasaayos ni Maxey sa pakikipagtulungan ng PSI cluster head for Mindanao na si Cholo Elegino.

Nakalinya isagawa ngayong Pebrero ang Children’s Games, consultative meetings, coaches’ education at Sports Mapping Action Research Talent Identification (Smart ID) testing para sa lahat ng kalahok, kabilang na ang indigenous people (IP) children mula sa iba’t ibang lalawigan sa Mindanao.

Sumailalim sa masusing pagsasanay ang Smart ID trainers sa isinagawang Sports Mapping Action Research for Talent Technical Experts and Manpower (Smart Team) sa nakalipas na taon.

May kabuuang 57 trainers ang nakapagtapos sa Cebu City, habang may 60 sa Puerto Princesa, 60 sa Vigan at 35 sa Mindanao.

Samantala, naisagawa na rin ang hiwalay na coordination meetings sa mga local government units sa T’boli at South Cotabato.

Ayon kay PSI regional coordinator Henry Dagmil, nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Dibu Tuan sa ginagawang programa ng PSC-PSI.

“The mayor is glad that T’boli will at last avail of the services of the PSC-PSI since they have not heard of any PSC program in their area in previous years. They are excited for the Smart ID testing that will be conducted among T’boli children 12 years old and below,” pahayag ni Dagmil.

Maging si South Cotabato Governor Daisy Avance-Fuentes ay naghahanda na rin para masiguro ang tagumpay ng programa sa rehiyon ng Mindanao.

“The province spends millions to maintain the sports complex in Koronadal City,” pahayag ni Dagmil, patungkol sa inisiatiba ni Fuentes.