Ni REGGEE BONOAN

HINDI nagkamali ang Ayala Corporation na may-ari ng Healthy Family Purified Water sa pagkuha kay Kris Aquino bilang brand partner at endorser dahil ang malakas na pag-inom ng tubig araw-araw ay isa pala sa beauty secrets niya.

Sa contract signing at presscon ng Healthy Family Purified Water sa Seda Vertis North Hotel, Quezon City nitong Lunes, tinanong si Kris ng online writers at bloggers kung ano ang sekreto ng magandang kutis niya, as in glowing, makinis, at walang pores.

“Aside from getting eight hours of sleep every night, I really drink a lot of water as in 500 ml bottle,” sagot ni Kris. “Normally I consume at least 10 bottles a day, but kung working na, umaabot ng 12 to 16 because you have to keep your throat hydrated. I drink room temperature or warm water.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

“And naaliw lang ako talaga because when they brought the water, they have given me ten days ago, I said, ‘Ay, masarap kasi madulas and I do believe that water really, really give you good skin kasi it really helps kasi napu-purify ka, naki-cleanse ka.”

Nabanggit din ni Kris minsan sa isang event niya ay hindi siya nakapagbaon ng tubig niya kaya napilitang uminon ng tubig sa venue na ayaw niyang banggitin.

“Dahil ang lakas kong mag-drink ng water, I drank four big, big mugs of their water and the only I ate was their salad. I had bad gastroenteritis, and one of the yayas is a nurse at sinabi nga na dalhin na ako sa ER (emergency room) kasi baka ma-dehydrate raw ako. Ayaw ko kasi baka isipin na na-food poison ako sa restaurants ko kaya sa bahay na lang ako pinuntahan ng doktor ko at doon niya ako hinaydrate. Doon ko na-realize na importance talaga na making sure of your water is clean because the health is risk of dehydration is so real. Dehydtation can kill you talaga.”

Naikuwento rin ni Kris na nasa bucket list niya na maging endorser ng anumang produkto ng Ayala Coporation at natupad na ito sa Healthy Family nagkataong may logo ng heart at may word na family, kaya naniniwala siyang meant to be.

“This is another check on my bucket list because I had deals with almost the big billionaire families, but I have no Ayala deal. So nu’ng nalaman ko na Manila Water and owned by Ayala, sabi ko, ‘Thank you God, nakumpleto na!” na sabi ko na lahat ng nandoon sa Forbes list na ‘yan isa-isa ko silang na-check. Check-check na, thank you God,” natawang sabi ni Kris. “And I thank you for the confidence that you have in me in giving this to me because it’s a launch.”

Kasama ni Kris sa contract signing si Mr. Geodino V. Carpio, president ng Manila Water Total Solutions at si Sharon Marcial, general manager ng Healthy Family Purified Water na biniro niyang tinawaran ang talent fee niya, pero okay lang sa kanya basta matupad ang pangarap niyang maging brand partner ng Ayala.

Ang lalo pang ikinatuwa si Kris ay ang nalaman na sa P90,000 ay may water refilling station na ang sinumang gustong mag-franchise ng Healthy Family Purified Water. Nang malaman daw ito ng KCAP Team niya ay naging interesadong kumuha ng franchise.

Samantala, 40th endorsement na ni Kris ang Healthy Family Purified Water at may upcoming pa bago sumapit ang kanyang kaarawan sa February 14.

At ang sekreto kaya kinukuha si Kris para maging brand partner ng maraming produkto?

“I think because of loyalty. Because I don’t think I would be able to get all of these brand partnership and the endorsements kung na-feel nila na binayaran lang nila ako at sumipot ako sa event pero hindi ko talaga ginagamit.”

Mapatutunayan naming ginagamit talaga ng Queen of Online World and Social Media ang lahat ng mga produktong iniendorso niya dahil nakita namin nang personal ang mga ito sa loob ng bahay niya, pati na sa banyo.

At sa contract signing din niya ng Ever Bilena last Saturday, may naabutan siyang ibang brand ng bottled water sa presidential table na agad niyang ipinatanggal dahil may partnership na nga siya with Healthy Family Purified Water.