Ni REMY UMEREZ

LUMAGDA ng limang taong management contract sa Viva Artist Agency si Billy Crawford. Maraming plano para sa aktor ang Viva, isa na rito ang pagbabalik-recording.

Matatandaan na naging hit sensation si Billy sa Europe ilang taon na ang nakalilipas, an achievement na ipinagmalaki nang husto noong kanyang tatay-tatayang Kuya Germs (SLN).

Nang magbalik sa Pilipinas ay napasabak na sa telebisyon si Billy hanggang kilalaning magaling na host. May ilang pelikula rin siyang ginawa sa Viva na pawang idinirihe ng yumaong si Wenn Deramas.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Para sa album na gagawin niya sa Viva ay binigyan siya layang mamili ng mga kanta gayundin sa composer at arrangers na kanyang napipisil.

Dream din ni Billy na magkaroon ng major concert at makasama ang pop princess na si Sarah Geronimo.

Another journeyna tatahakin ni Billy ang paglagay sa tahimik na mangyayari ngayong taon. Isa itong big event na pinagkakaabalahan nila ng kanyang fiances na si Coleen Garcia.