Ni LITO T. MAÑAGO

VIRAL at pinagpapasa-pasahan sa social media ang short video message ni Mocha Uson, dating lider ng Mocha Girls at ngayon ay itinalagang Assistant Secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ni President Rody Duterte, tungkol sa nag-aalburotong Mayon Volcano na magtatagpuan sa probinsiya ng Albay sa Bicol Region.

MAYON MEMES copy

Sa pagkakaalam namin, nag-ugat ito nang ibalik ni Mocha ang Thomasian Alumni Award na iginawad sa kanya ng UST-AAI (University of Sto. Tomas- Alumni Association, Inc.) dahil sa ‘pag-aalburoto’ naman at pagpalag ng mga dating nagtapos at student leaders ng universidad.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa unang video na umabot ng 11 seconds at na-view na ng mahigit 209 thousand plus as of deadline, ani Mocha sa kanyang post-interview pagkatapos ibalik ng kanyang staff ang award, “At ‘yung pinakamahalaga pa, ‘yang nangyayari sa Naga, ‘yang pag-aalburoto ng Mayon Volcano, dapat do’n po nakatuon ang ating mga balita!”

Ang Naga (for Mocha’s geography lesson) ay isang independent component city ng Camarines Sur o mas kilala ngayon bilang CamSur, isa sa anim na probinsiya ng Bicol Peninsula (kabilang ang Albay, Masbate, Catanduanes, Camarines Norte at Sorsogon) at dito matatagpuan ang isang pang bulkan na natutulog, ang Mt. Isarog.

Ang Mayon Volcano naman, kilala bilang world’s perfect cone ay makikita at matatagpuan sa lalawigan ng Albay.

Ang lungsod ng Naga ang tahanan nina dating DILG Secretary Jesse Robredo (SLN) at iginagalang na ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa -- the Honorable Vice-President Leni Robredo -- na madalas tuligsahin at atakehin ng kagalang-galang na Asec. Mocha ng PCOO.

At any rate, nang mag-viral at maglabas ang netizens ng memes ng bulkan (backdrop ang Mayon Volcano ng SM Naga, Peñafrancia Cathedral at iba pa), nag-issue ng erratum si Asec Mocha via a four-second video at sabi niya, “Taga-Albay po siya kung nasaan ang Mayong Bulkan!”

Kasunod naman nito ang isa pang video at pagtatapos niya, “So ‘yun lang po. Naga, trending. Si Mocha, tanga! Maraming salamat po.”

Habang tinatapos namin ang aming deadline kahapon, naglabasan pa ang iba’t ibang memes na ang Mayon Volcano ay makikita na sa USA (Statue of Liberty), China (Great Wall), Dubai (Burj Khalifa), Japan (back-to-back with Mt. Fuji), Paris (Eiffel Tower) at marami pang iba.

Spell Pinoy’s creativity, ingenuity at imagination, ibinuhos na nilang lahat dito! Thanks to Madam Mocha’s hilarity.