Ni Bella Gamotea

Tadtad ng tama ng bala sa ulo, bibig at iba pang bahagi ng katawan ang isang hindi pa nakikilalang lalaki nang madiskubre ang kanyang bangkay sa ilalim ng Metro Rail Transit (MRT)-Station 3 Magallanes station, sa Makati City kahapon.

Dead on the spot ang biktima na tinatayang nasa edad 35-45, kayumanggi, malaki ang pangangatawan, nakasuot ng polo, pantalon at puting sapatos.

Inaalam din ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng apat na suspek na sakay sa dalawang motorsiklong hindi naplakahan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ulat na ipinarating ng Southern Police District (SPD), nadiskubre ang bangkay sa ilalim ng MRT-3 Magallanes northbound, Barangay Magallanes, dakong 12:39 ng madaling araw.

Naglalakad ang biktima sa kahabaan ng EDSA, malapit sa MRT Magallanes northbound, nang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang una.

Mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa direksiyon ng EDSA-Ayala northbound matapos ibulagta ang biktima.

Agad rumesponde ang mga pulis, ngunit wala nang buhay ang biktima.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng SPD, sa pangunguna ni Senior Insp. Gerald Villar, narekober sa pinangyarihan ang anim na basyo ng hinihinalang kalibre ng 9mm pistol.