Ni Nonoy E. Lacson

ZAMBOANGA CITY – Isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na nahaharap sa mga kasong kriminal sa isang korte sa Basilan ang inaresto ng mga pulis nitong Martes sa Barangay Sangali sa Zamboanga City.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO)-9 Director Chief Supt. Billy Beltran ang dinakip na si Mudrim Isnani y Akbari, alyas “Asawad”, 39, may asawa, ng Bgy. Sangali, Zamboanga City.

Bandang 8:30 ng umaga nitong Martes nang inaresto si Isnani ng mga pulis kaugnay ng kinahaharap na walong bilang ng kidnapping at serious illegal detention sa Regional Trial Court (RTC) Branch 1 sa Isabela City, Basilan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ang kaso ni Isnani ay may kinalaman sa pagdukot sa Golden Harvest plantation sa Bgy. Tairan, Lantawan, Basilan noong Hunyo 11, 2001.