Ni Ador Saluta

IPINARATING ni Kris Aquino kay Vice Ganda sa pamamagitan ng comment sa social media post nito na nami-miss na niya ang It’s Showtime host.

VICE AT KRIS LANG_please crop copy

Nitong nakaraang Lunes ng hapon, January 22, nag-reach out si Kris sa dating BFF, nang mag-post si Vice ng short video sa Instagram.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

Mapapanood si Vice na nakaupo sa loob ng sasakyan, fully made-up, at sporting one-length straight hair. He is dressed to the hilt in a long-sleeved, mini dress, matched by glittering boots.

Sa caption ng unkabogable star, “Psssssssttttt!!! Eto na nga pala ‘yung pinagpalit mo noon. Ganda, ‘noh! Puwede mo na lang titigan pero di na puwedeng balikan. Tonononoiiiinnnxxxxx!!!”

Pagkaraan ng ilang minuto, sumulat si Kris sa comments section ng post ng: “Life isn’t fair -- when you post this people find it adorable, if I posted something like this, they’ll find a way to make an ampalaya emoji. Missing you.”

As of press time, hindi pa sumasagot si Vice sa comment ni Kris.

Matatandaan na noong nasa ABS-CBN pa si Kris ay naging malapit na magkaibigan sila ni Vice. ‘Asawa’ pa nga ang naging tawagan nilang dalawa.

Ilang beses napanood si Vice bilang guest ni Kris sa KrisTV morning talk show at alam ng lahat kung gaano sila ka-close.

Pero nang umalis si Kris sa Kapamilya Network noong September 2016, tila nawalan na sila ng komunikasyon.

Sa panayam ng PEPkay Kris noon, idinahilan niya ang conflict of schedule kaya hindi na sila masyadong nagkakasama ni Vice.

Pero nilinaw niya na nananatili silang magkaibigan.