Ni ADOR SALUTA

MULING ikinasal sina Gladys Reyes at Christopher Roxas.

Ginanap ang kanilang renewal of wedding vows sa Fernwood Gardens, Tagaytay City nitong nakaraang Martes na isinabay nila sa pagdiriwang ng kanilang 25th anniversary as a couple at 14th year as husband and wife.

GLADYS AT CHRISTOPHER copy copy

Kahayupan (Pets)

Hit-and-run survivor na pusa, 3 taon nang naghahanap ng 'FURever' home

Suot ni Gladys ang silver gown by Zandra Lim, isang off-shoulder with a beaded bodice and floral embellished train.

Suot naman ni Christopher ang three-piece gray suit na tinahi ni Lloyd Arceo.

Ang co-star ni Gladys sa Mara-Clara, na si Judy Ann Santos ang isa sa mga naunang nagpahatid ng pabati sa couple, at aniya’y isa siya sa witnesses sa love story ng dalawa, first hand on the set of the original Mara-Clara.

“Eto talaga e... etong dalawang to talaga ang #relationshipgoals!” sabi ni Juday. “Congratulations Clara at Eris... saksi ako sa matinding pagmamahalan n’yo mula pa noong mga paslit tayo, hanggang ngayon na may kanya-kanya na tayong mga paslit.

“Kayo ang katunayan na totoo ang salitang ‘first love’.

“Mahal na mahal namin kayo. Cheers to #25yearsoftogetherness and to 25 more years!”

Nagsimulang mag-prepare sina Gladys at Christopher para sa muling pagpapakasal nila noong May 2017.

“Para maiba lang, sabi namin, magpakasal kami uli para kasama na namin ang mga anak namin,” sabi ni Gladys.

Apat na ang mga anak nila, sina Christophe, Aquisha, Grant, at Gavin Cale.

Dinaluhan ng ilang kapwa celebrity ang kanilang kasal na kinabibilangan nina Jaya (with her family), Patricia Javier, Regine Velasquez, at Sherilyn Tan.

Naroroon si Regine Velasquez bilang isa sa principal sponsors.

Dumating din si Martin Nievera na isa sa mga ninong.

Claudine Barretto, who was one of Gladys’s bridesmaids during her 2004 wedding, caught up with Regine and Sherilyn Tan, accompanied by son, It’s Showtime #hashtag Ryle Santiago.

Kasama rin nina Jolina Magdangal at asawang si Mark Escueta ang kanilang anak na si Pele.

Unang ikinasal sina Gladys at Christopher noong Enero 23, 2004 sa Iglesia ni Cristo Central Temple sa Quezon City.

Ang wedding reception nila noon ay isinagawa sa Fernwood Gardens sa Quezon City rin.

Sa pagkakataong ito, ginanap ang kanilang renewal of vows sa Iglesia ni Cristo locale ng Tagaytay, ang kanilang reception ay sa Fernwoods Tagaytay.