Ni Nitz Miralles

MULING ginulat ni Erich Gonzales ang fans/supporters niya sa paglabas ng Rouge’s Night Life issue na siya ang nasa cover. Black and White ang cover photo ni Erich na may pasilip ng kanyang right boobs.

Erich copy copy

Maganda ang picture, wala kaming makitang malaswa, kaya hindi namin maintindihan kung bakit may mga nang-bash kay Erich dahil lang sa cover photo niya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Unfair ang mga nag-comment na mula nang mag-break sina Erich at Daniel Matsunaga, naging wild na si Erich.

Anyway, unang ginulat ni Erich ang fans/supporters niya nang tanggaping maging 2018 Tanduay Girl. Naalala namin, nang makausap si Kris after ng pa-block screening niya sa pelikulang Siargao nina Erich at Jericho Rosales, naikuwento na isa siya sa nag-encourage kay Erich para tanggapin ang offer ng Tanduay.

Tama ang sinabi ni Kris na Erich has the body, bakit nga naman hindi ipakita? Eh, hindi naman siya nag-bold?