Ni Bella Gamotea

Isang bangkay ng lalaki na nakasilid sa itim na travelling bag ang natagpuan sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Inilarawan ng awtoridad ang hindi pa kilalang biktima na nasa hustong gulang, mahaba ang buhok, nakasuot ng short pants, may marka sa leeg, at duguan sa pagkakasilid sa loob ng naturang bag.

Sa inisyal na ulat ng Pasay City Police, nadiskubre ni Dante Ancheta, 33, vendor, ang kahina-hinalang travelling bag na nakabalot sa transparent plastic sa harapan ng kanyang food stall sa Baclaran Terminal Plaza 2 Shopping Center sa Park Avenue Extension, dakong 2:45 ng umaga.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaagad na ini-report ang insidente sa Police Community Precint (PCP)-6 hanggang sa buksan ang bag at tumambad ang bangkay ng lalaki.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang awtoridad sa insidente.