MAGKASUNOD na dumating ng bansa sina Maine Mendoza at Alden Richards kahapon. Nauna si Maine early morning from Toronto, Canada at early afternoon naman si Alden from Sydney, Australia.

Alden at Sydney Concert copy

Bago bumalik si Maine, pagkatapos niyang mag-attend ng MAC collab at gumawa ng sariling lipstick na ii-indorse niya, nagkaroon pa siya ng chance na makapunta ng Niagara Falls sa Ontario, Canada. Ang napakagandang falls ay isa sa ayaw i-miss ng kahit sinong pumupunta ng Canada.

Si Alden naman after ng successful Alden Richards Live in Sydney concert with Betong Sumaya, naka-attend pa ng service sa Hillsong Church in Sydney, at nagkaroon ng ilang meet and greet with the fans doon. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Bago umalis, nag-tweet pa si Alden ng, “Thank you for the experience Sydney, balik ako ulit. Salamat mga Kapuso!” 

Gusto ni Alden, pagbalik niya ay winter naman dahil summer pa rin doon ngayon.

Back to work na sina Alden at Maine sa Eat Bulaga. At excited ang AlDub Nation dahil muling magkakasama sa isang event ang dalawa sa Thursday, January 25, para sa #PlatinumKaraokeKantahan2018. Gaganapin ito sa SMX Convention Center sa Mall of Asia.

Makipagkantahan ang fans kina Alden at Maine at may prizes na matatanggap.

Mag-log on lamang sawww.platinumkaraoke.ph/kantahan2018 for details.

Sa January 26 naman, guest si Alden sa pa-benefit concert ng kanyang spiritual director na si Rev. Fr. Jeffrey Quintela para sa pagpapagawa ng canopy ng San Isidro Labrador Parish Office sa Greenland 1, Nangka, Marikina City.

Gaganapin ito sa The Grand Cobo Events Place, Marikina City at 7:00PM. Isa rin sa guests si Julia Clarete at iba pang kaibigang pari ni Fr. Jeff.

Hinihintay naman ng AlDub Nation ang bonggang launch ng MAC lipstick line ni Maine.