SEOUL (AFP) – Dumating ang mga delegado ng North Korea sa Seoul kahapon para inspeksiyunin ang venues at maghanda para sa cultural performances para sa Winter Olympics, sa unang pagbisita ng mga opisyal ng Pyongyang sa South sa loob ng apat na taon.

Ipinakita sa telebisyon ang grupo ng pitong opisyal sa pamumuno ni Hyon Song-Wol, ang lider ng sikat na Moranbong band ng North, na tumatawid sa heavily-fortified border sakay ng bus bago dumating sa Seoul train station makalipas ang isang oras.

Nangyari ang biyahe makalipas ang dalawang linggo nang magkasundo ang magkatabing bansa na magpapadala ang Pyongyang ng mga atleta at artistic troupes sa Winter Games, na magbubukas sa alpine resort ng Pyeongchang sa South sa Pebrero 9.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina