ISANG act ang makakakuha ng Golden Buzzer ni Angel Locsin ngayong weekend sa Pilipinas Got Talent.

Namangha si Angel sa naturang act at naantig sa inspirasyong hatid nito, kaya hindi na nagdalawang-isip ang PGT judge na padiretsuhin ito sa semi-finals.

Ito na ang ikalawang Golden Buzzer ng kasalukuyang season, nauna na ang ibinigay ni Judge Freddie “FMG” Garcia sa nakakabilib na pull up bars act ng grupong Bardilleranz.

Ngayong linggo, magpapasiklab na naman ang mga Pinoy at ipapamalas ang kanilang mga talento tulad ng aerial dance, kabogerang lipsynch performance, pagma-magic, at pati paggamit ng e-cigarrette.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Huwag palalampasin ang Pilipinas Got Talent tuwing Sabado, 7 PM, at tuwing Linggo, 7:30 PM sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpgt sa Instagram at Twitter o i-like ang www.facebook.com/pilipinasgottalent.PGT sa Facebook.