MELBOURNE, Australia (AP) — Sa kabila ng labis na init – na nagpapahirap sa karamihan sa mga players – matikas na idinispatsa ni Rafael Nadal si Damir Dzumhur, 6-1, 6-3, 6-1, nitong Sabado sa Australian Open.

Tinapos naman ng fourth-seeded na si Elina Svitolina ang pamamayagpag ng kababayang si Marta Kostyuk, 15, sa dominanteng 6-2, 6-2 panalo.

“She’s a great fighter,” sambit ni Svitolina, isa sa nalalabing limang player na may tsansa na makkuah ng No.1 ranking.

Naisalab naman ni Andreas Seppi ang 52 aces ng 38-anyos na si Ivo Karlovic sa 6-3, 7-6 (4), 6-7 (3), 6-7 (5), 9-7 panalo na tumagal ng tatlong oras at 51 minuto.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Labis ang pagkapagal ng mga players bunsod ng init at ang mga tagahanga ay napipilitang magsuot ng shade para malabanan ang sakit sa mata dulot nag init.

Posible lamang itigil ang laro kung aabot ang temperatura sa 40 Celsius (104F).

Nanganilangan si Alize Cornet ng medical timeout at kaagad na kinunan ng mga dojktor ang kanyang blood pressure bunsod nang muntik na nitong pagkahimatay. Nagwagi siya 7-5, 6-4 kay Elise Mertens, kabilang sa mga players na humihiling ang aksiyon ang posibleng paglipat ng petsa ng Open.

“I started to feel dizzy. ... I was feeling super, super hot. I kind of felt that I could faint at any moment,” pahayag ni Cornet.

“Playing in this condition is of course very dangerous for the health of the player.The limit of not playing the match is really high. ... I think this limit should be a little bit lower,” aniya.

Nagwagi rin si No. 3-seeded Grigor Dimitrov kontra No. 30 Andrey Rublev 6-3, 4-6, 6-4, 6-4, gayundin si Kyle Edmund kontra Nikoloz Basilashvili 7-6 (0), 3-6, 4-6, 6-0, 7-5 .