nba2 copy

NEW YORK (AP) — Team LeBron laban sa Team Stephen sa bagong NBA All-Star game.

Tinanghal na team captain sina LeBron James at Stephen Curry matapos makatanggap ng pinakamaraming boto mula sa mga tagahanga sa buong mundo. Bilang kapitan, karapatan nilang mamili ng mga players na makakasama – maging saan man nagmulang koponan – para mapabilang sa bagong format na All-Star Game sa Pebrero 18 sa Los Angeles.

“Captain huh? Really Appreciate all the votes from the fans, media and players!” pahayag ni Curry sa kanyang Twitter account.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Hawak ni James, nakatanggap ng pinamaraming boto na 2,638,294, ang karapatan na unang makapili na makakasama sa starting five. Ito ang ika-14 na All-Star start ni James – isang All-Star pick na kakulangan para pantayan ang marka ni Kobe Bryant.

Kabilang sa East starter na ibinoto ng fans sina Milwaukee Bucks’ star Giannis Antetokounmpo , Philadelphia 76ers’ big man Joel Embiid, Boston Celtics’guard Kyrie Irving at Toronto Raptors’ gunner DeMar DeRozan.

Sa West starter, kasamang naiboto kay Curry ang kasangga na si Kevin Durant, Houston Rockets’ main man James Harden, at New Orleans Pelicans twin tower Anthony Davis at DeMarcus Cousins.

Nakakuha si Curry ng 2,379,494 votes, kasunod si Durant na may 140,000 ang layo.

Lamang si Spurs guard Manu Ginobili (1,808,860) kay Harden (1,486,830) sa fan votes , gayundin si Warriors forward Draymond Green (1,135,478) kina Davis (1,088,230) at Cousins(922,269) sa West frontcourt , ngunit naungusan sila mula sa isinamang media at player votes.

Bilang panimula, posibleng piliin ni James si Durant o ang dating kasangga na si Kyrie Irving, na lumipat sa Boston na kasalukuyang nangunguna ngayon sa Eastern Conference standings.

“I’m not telling you,” pahayag ni James nang ungkatin ng media ang posibleng pipiliin niya sa koponan.

“I’m going to try to build the best team I can. I don’t play fantasy anything. And I don’t trade guys onto teams when I play 2K or play the video games, so this is different for me. But I know watching guys and loving their game and all that, if you had an opportunity to play with that guy, how special that would be,” aniya.

May 50 porsiyento ang fans vote sa bagong format sa pagpili ng starter, habang tig-25 porsiyento ang media panel at players vote.

Ang pitong nalalabing reserves sa bawat conference na pipiliin ng mga coach at ipapahayag sa Martes, habang ang starter na mapipili nila James at Curry ay ipahahayag sa Huwebes.

Para sa reserved, si Curry ang may karapatan na unang pumili sa 14 na players. Batay sa format, alternate ang pagpili nina James at Curry

hanggang sa mabuo ang tig-12 player sa koponan. Bawat koponan ay kailangang mayroon lamang na minimum na tatlong guard.

Ilan sa mga star player na sopresang hindi napabilang sa All-Star starters sina San Antonio Spurs’ LaMarcus Aldridge, Oklahoma City Thunder’s Russell Westbrook, at New York Knicks’ Kristaps Porzingis.