Ni NORA CALDERON

MAGANDA ang last episode ng Road Trip ng GMA News & Public Affairs, na ipinalabas nitong Sunday, January 14, sa GMA-7. Kahit sa Sta. Rosa City, Laguna at sa Sky Ranch sa Tagaytay lang ang location, nakitang masaya si Alden Richards at mga kaibigan niyang sina Sam YG, Bea Binene at si Divine Tetay.

ALDEN copy

“Masarap na may mga kaibigan kang kahit hindi kayo madalas nagkakasama, kapag tinawagan mo sila para sa isang outing, dumarating sila,” sabi ni Alden. “Mas maganda nga iyong biglaan ang tawag mo sa kanila at kapag hindi busy, sasagot agad. Kaya enjoy, kahit maghapon hanggang gabi lamang kami magkakasama.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ibinuking pa ni Alden si Sam YG na laging may hugot sa bawat challenge na gawin nila.

“Kabi-break lang kasi nila ni Joyce Pring kaya sunud-sunod ang hugot niya,” kuwento ni Alden.

Nilabanan nila ang challenges sa wakeboarding, sa iba’t ibang roller coaster rides at sa zip line. Si Divine Tetay ang matagal kinumbinsi ni Alden na subukan ang zip line, dapat daw talaga ay maging laging handa sa mga challenges ng buhay, at i-concquer ang takot. Pero pagkatapos ng challenges, na-challenge naman silang pumunta mag-food trip sa Tagaytay. Inaakala ng iba na isang klase lamang ang bulalo, pero marami na pala ang pwedeng gawin dito kaya na-challenge sila sa paghahanda tulad ng Kimchi Bulalo na siyempre ay maanghang, may Bulalo kare-kare rin at iba pa.

Nag-bonding din silang apat habang kumakain ng dessert sa Concha’s Garden Cafe ni Alden sa Tagaytay. Famous kasi ang dessert sa restaurant niya na leche plan at yellow camote turon. At nagpasalamat sila sa opportunity na ibinigay sa kanila ng GMA para maranasan ang road trip na iyon.

Pero tuluy-tuloy pa rin ang trip ni Alden na simula pa lamang ngayong January ng out of the country shows. Paalis siya bukas, Wednesday, January 17, para sa “Alden Richards Live in Sydney!” sa Saturday, January 20, at 7:00 PM sa Evan Theatre Panthers Penrith, Australia. Exclusive media sponsor ang GMA Live TV, GMAPinoy TV, GMA News TV, presented by Memory Bliss Productions. Magkakaroon ng chance ang mga fans ni Alden doon sa meet and greet niya sa January 18.

Kasamang aalis ni Alden ang comedian and host na si Betong Sumaya. Happy trip!