Mark copy copy

Ni NITZ MIRALLES

MAINGAY ang nalalapit na release ng tell-all book ni Mark Bautista na Beyond The Mark dahil sa sitsit na may aaminin siya.

Pati tuloy kami, nakaabang kung kailan magiging available ang libro na siguraong magiging bestseller dahil nga sa tsikang may aaminin si Mark.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Lalo pa kaming na-curious nang mabasa ang post niya sa Instagram (IG) na, “So Help Me God”.

Sa first post niya, ang “SO HELP” lang ang isinulat, sa second picture, “ME” ang nakasulat at sa third picture, “GOD” naman ang nakalagay. Ang picture sa first and third post ni Mark, sinipi niya ang tila introduction sa book niya.

“I have a story to tell, and no matter what others might think, I’m happy that I can share this with pride (from overcoming my personal struggles), joy (from discovering my life’s purpose), and peace (from finding the true essence of fulfillment). For me, these are life’s great achievements. This has been my journey and my life, so far.”

O, hindi ba? Maku-curious ka kung ano ang laman at mababasa sa Beyond the Mark na sana ay i-release na para hindi na nagtatanungan kung ano ang mga nag-aabang.