HONG KONG (AFP) – Isang dayuhang lalaki ang inaresto sa hinalang pagpaslang sa isang babae at isang batang lalaki nitong Linggo sa mamahaling Ritz-Carlton hotel sa Hong Kong, sinabi ng pulisya.

Sumugod ang mga opisyal sa hotel matapos makatanggap ng ulat nitong Linggo ng umaga na may nag-aaway na lalaki at babae.

Natagpuang patay ang babae at ang batang lalaki sa lugar at inaresto ang lalaki sa hinalang pinatay niya ang mga ito at dinala sa ospital.

Hindi kinumpirma ng pulisya ang relasyon ng tatlo ngunit sinabi sa AFP na sila ay pawang banyaga.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Ayon sa news site ng Apple Daily, ang magkapareha ay nasa edad 40s, at ang kanilang pitong taong gulang na anak ay Korean nationality at nag-check in sa five-star hotel ng ilang araw.