Ni JIMI ESCALA

ISA kami sa mga imbitado nang ikasal sina Christopher Roxas at Gladys Reyes. Si Gladys pa mismo ang nagdala ng imbitasyon sa tinitirhan naming bahay noon sa Roxas District.

CHRISTOPHER AT GLADYS copy

After 25 years, muli kaming pinadalhan ni Gladys ng imbitasyon para sa kanilang renewal of vows na gaganapin sa January 23, Tuesday at 3:00 PM sa Iglesia ni Cristo-locale Tagaytay at ang reception ay sa Fernwood Gardens uli.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Happy New Year, Kuya Jimi. This January 23, 2018, inviting you to join us on our renewal of vows as Chris and I will celebrate our 25 years of togetherness. Recepction at Fernwood Gardens, Tagaytay.

“Sana makapunta ka po, Kuya Jimi. Saan ko po puwedeng dalhin ang imbitasyon para sa inyo?” nakaka-touch na mensahe ni Gladys.

Siyempre, pupunta ako, huh!

Walong pares ang principal sponsors sa renewal of vows nina Gladys at Christopher. And, of course, may mahalagang partisipasyon ang apat na anak nila.

Si Gian Christophe Sommereux ang tatayong best man, maid of honor naman ang only daughter nilang si Gianna Aquisha at ring bearer ang dalawang anak nilang sina Gran Carlin at bunsong si Gavin Cale.

Ang inakala noon ng detractors ng dalawa na hindi magtatagal ang pagsasama nina Chic at Cou (tawagan ng dalawa) ay hindi nangyari. Pero dumaan din naman sa mga pagsubok ang pagsasama nila.

Aminado si Gladys na hindi perfect ang kanilang married life.

“Alam mo rin naman, Kuya Jimi na dumaan din kami ng katakut-takot na pagsubok. Kamuntik pa kaming magkakahiwalay noon. Pero nalampasan namin ang mga pagsubok na ‘yun.

“Dahil din naman sa mga sunud-sunod na pagsubok na dumating sa amin noon na nalampasan naming lahat, naging matatag kami ni Christopher sa isa’t isa,” sey ni Gladys nang kausapin namin sa telepono.

Ipinagmamalaki ni Gladys na pagdating sa mga anak nila ay pareho silang hands on ni Christopher. Talagang buhos ang panahon nila sa mga bagets.

Si Christopher ang first boyfriend ni Gladys at nagsimula ang love story nila sa seryeng Mara Clara (1992-1997) with Judy Ann Santos.