Gohing at Gumabao
Gohing at Gumabao

PARA makabuo ng mas malakas na koponan para sa susunod nilang pagkampanya sa darating na Premier Volleyball League season, kinuha ng Creamline para idagdag sa kanilang roster ang mga dating De La Salle stars na sina Michele Gumabao at Melissa Gohing .

Nagpahiwatig ang Cool Smashers hinggil sa acquisition nila sa dalawang nabanggit na players sa ginawa ng mga itong paglagda ng kontrata kamakailan.

Bagama’t hindi tuwirang tinukoy, lahat ng pahiwatig ay nagtuturo sa dalawang dating La Salle aces base sa post sa kanilang Facebook page .

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Si Gumabao ay dating pinarangalan bilang Best Blocker noong UAAP Seasons 73 at 74 at MVP noong Season 75 habang si Gohing ay Rookie of the Year noong Season 71.

Inaasahang lalo pang palalakasin ng dalawa ang koponan ng Creamline na pinangungunahan nina league 4-time MVP Alyssa Valdez, Jia Morado, Cesca Raqraquin at Risa Sato.

Hudyat din ang paglagda ng kontrata ni Gumabao ng pagbalik niya sa PVL matapos umalis sa Pocari Sweat upang maglaro sa Cocolife sa Philippine Super Liga at muli nilang pagsasama ni Gohing na dati nyang kakampi sa Lady Warriors nang magwagi noong 2016 Open at Reinforced Conference titles. - Marivic Awitan