Ni LITO MAÑAGO

PINAGDISKITAHAN ng bashers at haters ang flawless na kilikili ni Sunshine Cruz, nang mag-post ng photo ang aktres ng Wildflower na kuha sa gitna ng dagat habang lulan sa balsa na gawa sa kawayan at itinaas ang dalawang kamay.

Sunshine copy

Kuha ang photo sa Vivere Azure Resort sa Anilao, Batangas na pinagbakasyunan ng pamilya ni Sunshine kasama ang boyfriend na si Macky Mathay at ilang kaibigan nila.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Naka-post ang photo sa social media pages ni Sunshine at ginawan ng istorya ng ilang broadsheets at tabloids.

Sa caption ng dating misis ni Cesar Montano, aniya, “Look forward with hope rather than backward with regret. I’m so ready for 2018,” at tinapos niya ito ng isang red heart emoticon.

Para sa haters at bashers ni Sunshine -- na wala na yatang inatupag kundi pakialaman ang buhay ng may buhay -- hindi maganda para sa mga media outlet na ibalandra ito sa pahina ng mga diyaryo.

Sabi ni (@iammarlonramos), “Di ko pa din ma-gets kung paano naging newsworthy ang ‘porcelain white underarms’ ni Sunshine Cruz at ang pagpo-pose ‘unapologetically.’”

Parinig naman ni @leelaramos, “Sobrang daming mga issue sa ating bansa and dapat bigyang pansin pero mas nakatutok ang media sa kilikili ni Sunshine Cruz. napakagaling.”

Pero mas marami ang kumampi sa 40-year old Kapamilya star at nagbigay pa ng positibong feedback sa larawan.

Ayon kay @lovebrand.ph, sabi niya, “Beautiful and young looking Sunshine!”

Say naman ni @wayne_queen.09, “Di kumukupas lodi.”

Sambit ni @josephcaro2801, “YOU LOOK SO CHARMING,” na nilagyan pa ng flower emoticon sa dulo ng kanyang post.

Biro naman ni @geldilla, “Paamoy naman ng kilikili please...”

Sa Facebook account ni Sunshine, ipinost niya ang screengrab ng mga comment at sabi lang niya, “Never my intention.

Sorry na po. Lol!” at tinapos niya ito ng hashtag na #kilikili.

Nagkakaisa ang karamihan sa mga tagapagtanggol ni Sunshine ang nagsasabi na inggit lang ang dahilan ng mga namimintas sa flawless na kilikili ng aktres.