Ni Bella Gamotea

Kalaboso ang isang negosyante na may kinakaharap na kaso sa Parañaque City, kahapon ng umaga.

Kasalukuyang nakakulong sa Parañaque City Police ang suspek na si Paul Randolph Delos Reyes y DiŇo, 46, ng No. 8995 San Felipe Street, San Antonio Valley 2, Barangay San Isidro ng nasabing lungsod.

Sa ulat na ipinarating sa Southern Police District (SPD), nadakip ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS), sa pangunguna ni Senior Insp. Anthony Alising, ang suspek sa San Felipe St., San Antonio Valley 2, bandang 8:00 ng umaga.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Inaresto si Delos Reyes sa bisa ng warrant of arrest, na inisyu ni Parañaque Regional Trial Court (RTC) Branch 257 Judge Rolando How, dahil sa kasong estafa na may criminal case No.2017-1406.

Inirekomenda naman ng hukuman ang P40,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Delos Reyes.

Ihaharap sa korte ang suspek para sa kaukulang disposisyon.