Ni JIMI ESCALA

HINDI naging maganda ang pagpapapalit ng taon para kay Sunshine Cruz at sa buong pamilya nila. Namatay kasi ang kapatid nilang lalaki na bagamat hindi gaanong malapit sa kanya ay mahal na mahal niya.

SUNSHINE copy copy

Banggit ni Sunshine, nagdadalamhati ang buong pamilya nila lalung-lalo na ang mahal nilang ina na halos hindi niya maiwan sa mga panahong ito.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Sobrang hindi matanggap ni Mommy ang nangyari sa kapatid ko. Kaya lang, eh, dapat na rin naming tanggapin na hanggang doon na lang talaga siya,” sabi ng aktres.

But still, ayaw niyang hayaan na maging malungkot ang buhay niya sa buong 2018. Kaya nga nagbakasyon siya ng ilang araw kasama ang boyfriend na si Macky Mathay.

Kinailangan niya ang ilang araw na pahinga bago muling harapin ang taping ng seryeng Wildflower.

“Before going back to work, eh, pinatikim ko muna ang katawan ko ng pahinga nang husto. Siyempre, salamat sa Itaas for the opportunity to get some much needed rest,” sey ni Shine.

Marami ang napapahanga ni Sunshine sa nakakasilaw niyang kutis at maalindog na mga kurba ng katawan sa ipino-post niyang photos habang nasa swimming pool sa ilang araw na bakasyon.

Nagkomento ang kaibigang aktres ni Sunshine na may mga kabataang artista raw na inggit na inggit sa magandang katawan niya.

“Sa totoo lang, eh, may mga nagtitext pa nga sa akin isang taga-showbiz na parang gusto pa yata akong ligawan na kahit alam niyang meron na akong Macky,” natawang kuwento ni Sunshine.

Aware ang aktres na may mga actor na much younger sa kanya na nagsasabing sa mga aktres raw ngayon ay numero uno si Sunshine Cruz as far as hubog ng katawan ang pag-uusapan.

Samantala, sa bagong labas na print ad ng iniendorsong pampaganda ay lalo pang lumitaw ang magandang hubog ng katawan ni Sunshine, huh!