Ni Marivic Awitan

SA halip na magmukmok sa pag-alis ng kanilang dating coach na si Aldin Ayo na nagdesisyon na lumipat ng University of Santo Tomas, kinalimutan na lamang ng team officials ng De La Salle University ang mga pangyayari.

Ito ay matapos ang ginawang “get together” sa San Miguel Corporation head office noong Biyernes na ipinatawag ni Eduardo Cojuangco Jr. para sa Green Archers management at coaches.

Ayon sa isang opisyal ng koponan na ayaw magpakilala, matagal na nilang inaasahan ang pag-alis ni Ayo sa koponan dahil ibinunyag nito na muntik nang iniwan ng mentor ang team sa kalagitnaan ng nakaraang UAAP Season 80 Men’s basketball tournament.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sinabi din ng opisyal na nakatakdang italaga ni Cojuangco si dating Assistant Coach Louie Gonzales bilang kapalit ni Ayo. At mananatili namang kasama nya sa coaching staff sina Glenn Capacio at Siot Tangquincen.

Malaking break ito kung sakali para kay Gonzales, na sinasabing nagbuo ng sistema na ginagamit ni Ayo.

Nagsimula si Gonzales bilang assistant ni dating Letran Head Coach Binky Favis. Naging bahagi sya ng Knights team na nagkampeon noong NCAA Seasons 75 at 91.

Inaasahan ang pormal na appointment ni Gonzales ngayong Enero.