Ni Nitz Miralles

SA Tagalog, binara o sinupalpal ni Kris Aquino ang isang basher na nag-comment na hindi binabasang maigi ang kanyang post tungkol sa kagustuhang makasama sa isang pelikula si Alden Richards. 

Kris copy copy

Sa termino ng millennials, na-burn o na-slay ni Kris ang troll na nag-comment na alagaan na lang ni Kris ang anak niya at matanda na siya para kay Alden.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“And you must really have low comprehension skills. I said my dream project was to PORTRAY HIS MOTHER. Please read before you bash me. Because I don’t mind intelligent criticism but I take offense at poor comprehension.”

Ang linaw naman kasi ng ipinost ni Kris na, “Had to have this portion edited to share w/ all of you. Certified @aldenrichards02 fan! I was thrilled to see a thank you text from him because he must have gotten word about all I said in the Merienda w/ Kris we uploaded.

Work wish for 2018 -- to play Alden’s mom in a project. Hopefully a drama w/ a bit of realistic funny moments exploring the love & complexities of a single mom & her grown up son... just me imagining Bimb and me 15 years from now... di na ko mahihiya, libreng mangarap so I’m tagging @annettegozon of GMA FILMS & @gmanetwork.”

Anyway, may pahabol na pasabi si Kris kay Alden na, “Pls. tell him I really wish to make a Mother & son story w/ him” at “I want Bimb to grow up as pleasant & hard working as him” at “He is my FAVORITE!”

Inulit pa ni Kris ang pagsasabing nag-text sa kanya si Alden nang mabasa ang comment niya na mabait, at mabango siya, kaya raw panay ang spray niya (ni Alden) para lagi siyang mabango.

Samantala, nasa Hong Kong na sina Kris, Josh at Bimb, pabalik na sila ng Pilipinas at bukas, nasa bansa na sila para salubungin ang 2018.