Ni Nitz Miralles

KINABOG ni Rhian Ramos sina Lovi Poe at Max Collins sa suot niyang silver two-piece sa isang eksena sa The One That Got Away.

Nakakaloka ang comments ng netizens, pero positive naman ang karamihan, kaya hindi ma-o-offend si Rhian.

May nag-comment na sobrang hot siya, may napamura pa at may umaming crush ang aktres. Curious kami kung ano ang suot nina Lovi at Max sa eksena nilang naka-two-piece si Rhian at kung ano ang reaction nila sa pangangabog nito sa kanila.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa The One That Got Away, socialite, maarte at blogger ang role ni Rhian bilang si Zoe at iisa ang ex nila nina Lovi at Max -- si Dennis Trillo.

Marami ang naiinggit sa aktor dahil tatlong naggagandahan at nagseseksihang aktres ang kasama sa sexy-comedy series sa direction nina Maryo J. Delos Reyes at Mark dela Cruz.

Sa January 15, 2018 na ang pilot nito.