AGOSTO ng taong kasalukuyan nang sumabak ang mga atletang Pilipino upang subukin na manungkit ng gintong medalya sa 2017 Southeast Asian Games na ginanap sa Kuala Lumpur Malaysia.

Target noon ng delegasyon ang 50 gintong medalya sana, ngunit 24 na ginto lamang ang naiuwi ng delegasyon.

Marami ang espekulasyon na bigo ang naging kampanya ngunit marami din naman ang nagsabing kahit paano’y taumpay pa rin ang naging kampanyagayung 29 na ginto medalya ang huling naiuwi noong 2015 SEAG.

Ayon sa iba, masyado lamang naging malaki ang ekspektasyon ng Philippine Olympic committee (POC) sa mga atleta sa knailang pangarap na makapag uwi ng 50 gintong medalya ang mga ito.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Gayunman, kahit na anong sabihin, puso at pawis pa rin ang naging puhunan ng mga atleta upang bigyan ng karangalan ang bansa sa nasabing kompetisyon.

Inaasahang babawi ang mga atletang Pinoy sa knailang mga darating na kompetisyon, lalalo na ngayong darating na taon, kung saan nakatakdang sumabak sila sa Asian games.

Ngunit mas pinaghahandaan ng mga ito at ng buong bansa ang 2019 SEAG na gaganapin dito mismo sa Pilipinas, kung saan patuloy na magkakaisa ang mga lider ng isports upang tulungan angmga atletang Pinoy na maging matagumpay sa kampanya. - Annie Abad