Ni Bella Gamotea

Patay ang isang lalaking vendor matapos masagasaan habang tumatawid sa Pasay City, nitong bisperas ng Pasko.

Dead on the spot si Eduardo Villaflores, nasa hustong gulang, ng Libertad, Pasay City, sa tinamong matinding pinsala sa ulo at sa katawan.

Sa ulat ng Pasay City Traffic Department, nangyari ang insidente sa bahagi ng Roxas Boulevard malapit sa Libertad overpass, north bound lane ng lungsod, bandang 9:00 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon kay Helena dela Cruz Joven, nag-iinuman sila ng hindi niya namalayang wala na sa kanyang tabi si Villaflores matapos maubos ang dalawang bote ng alak.

Ilang sandali ang lumipas ay nalaman na lang niya na nasagasaan ang biktima.

Ayon sa mga motorista na nakakita sa insidente, mabilis ang takbo ng Toyota Hi-Ace van na hindi naplakahan nang masagasaan nito ang tumatawid na biktima, na tumilapon pa umano nang ilang metro.

Tumakas naman ang driver ng van sa takot na makuyog ng mga tao sa lugar at hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay hindi pa lumalantad sa pulisya.