NAGPATULOY ang pananalasa ni Philippine Army chess team top non master player Kevin James Arquero matapos makaungos kontra kay Daniel Quizon sa seventh at final round para magkampeon sa “Pamaskong Handog” Intchess Asia Non-Master Chess Tournament nitong Sabado sa Concepcion Dos Chess Club sa SSS Village, Concepcion Dos sa Marikina City.

Tumapos ng malinis na kartada si Arquero na may 6.5 puntos sa pitong laro para maiuwi ang top prize P4,000 plus trophy sa one day tournament.

Ito ang ika-2 sunod na titulo ni Arquero sa Marikina tournament matapos unang kunin ang titulo ng 5th Concepcion Dos Chess Club (CDCC) Grand Prix Non-Master Chess Tournament nitong Disyembre 16, 2017 na ginanap sa Barangay Concepcion Dos Multi-purpose Gymnasium sa Marikina City.

Nakapagtala naman ng tig 6.0 puntos sina Sherwin Tiu at Kevin Mirano para tumanggap ng tig-P2,000 sa ika-2 hanggang ika-3 puwesto.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nanatili naman si Quizon sa 5.5 puntos, iskor na naitala rin nina Julius Gonzales at Ricardo Batcho tungo sa pagbulsa ng tig-P700.

Ang mga nakapasok sa top 10 ay sina 7th place Jerry Areque, 8th place Jerome Villanueva, 9th place Ricardo Jimenez at 10th place Rodolfo Panopio.

Ang mga nagwagi sa kani-kanilang kategorya ay sina Martin Gaticales (Top executive), Norvin Gravillo (top government employee), Narciso Gumila Jr. (top private employee), Al Basher “Basty” Buto (top elementary), Chester Neil Reyes (top high school), Tyrone de los Santos (top college), Eduardo Campos (top senior), Arvie Lozano (top lady), Jimson Linda (top Concepcion Dos Chess Club member) at Mark Kenneth Lomio (Top Marikina). - Gilbert Espeña