Inihayag kahapon ng Philippine National Police (PNP) na nagpakalat ito ng mga pulis sa Metro Manila ngayong holiday season.

Siniguro ni PNP Chief Director Gen. Ronald "Bato" Dela Rosa na magiging maayos at mapayapa ang pagsalubong sa Pasko ngayong Lunes.

Sinabi pa ni Dela Rosa na walang Christmas at New Year’s break ang mga pulis sa Metro Manila.

”Well, lahat ng pulis natin naka-deploy. ‘Yung ibang district natin sa Metro Manila ay wala silang break, hindi kagaya nung ibang lugar na puwedeng mag-break sa Christmas at New Year. Dito sa Metro Manila wala silang break,” wika ni Dela Rosa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ipinag-utos din ni Dela Rosa na mag-report ang mga pulis na nasa bakasyon sa police station sa kanilang lugar para ngayong Pasko at sa Bagong taon.

Nakaalerto rin umano ang pulisya sa mga lugar na posibleng may presensiya ng New People’s Army (NPA). - Fer Taboy