ILOILO CITY – Kumpara sa mga nakalipas na taon, dalawang lugar lang sa Iloilo City ang pinapayagang magbenta ng paputok.

Itinalaga ni Mayor Jose Espinosa III ang Circumferential Road 1 (corner Jocson Street) at Circumferential Road 1 (corner Iloilo East Coast-Capiz sa Ondoy’s Sugbahan sa Buhang village, Jaro district) na mga lugar na maaaring magbenta ng paputok.

Pinili ang dalawang lugar sa rekomendasyon ni Chief Fire Insp. Bartolome Beliran, pinuno ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa lungsod. Ang nasabing mga lugar ay malayo sa matataong lugar. - Tara Yap

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?