Ni REGGEE BONOAN

HINDI malaman ni Jennylyn Mercado kung ano ang isasagot sa tanong namin kung aware siyang kasama ni Derek Ramsay ang girlfriend nitong si Joanne Villablanca sa press preview ng All of You dahil sa rami ng bed at kissing scenes nila ng aktor. May eksena pang ang aktres pa ang agresibo sa sex.

Jennylyn copy

Nakangiwing sabi ni Jennylyn, “Hindi ko alam kasi pagpasok ko (madilim), pero I’m sure naman sanay na si Joanne na nakakapanood ng film ni Derek.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Agad naman siyang sinalo ng aktor, “Yeah, this is our work and she (Joanne) respects that, so there’s nothing there.”

Sa obserbasyon naman namin kay Joanne habang pinapanood nila ni Derek ang pelikula ay normal na date lang nila iyon.

Alam nitong trabaho lang ang ginagampanan ng karelasyon na may ibang babaeng kahalikan at kayakap sa kama.

Pero si Jennylyn, umamin na hindi niya kayang panoorin ang boyfriend niyang si Dennis Trillo sa mga ganoong eksena.

“Ako siguro hindi ko papanoorin, hindi ako sasamang manood ng movie, selosa ako, eh. Kunwari ako ‘yung girlfriend, hindi ako sasama, ha-ha-ha,” pag-amin ni Jen.

Pero pinanood niya ang mga pelikulang Janitor at Felix Manalo ni Dennis.

Kaya kung halimbawang mag-react nga ang girlfriend ni Derek na si Joanne sa mga eksena nila ay maiintindihan ni Jen.

“Oo, oo talaga. Kasi siyempre iba siya sa showbiz kaya iba rin ‘yun para sa kanya.”

Ang katwiran naman ni Derek, “When you get into a relationship it’s because tanggap n’yo ang isa’t isa. Selosa sa ibang bagay si Joanne pero sa work hindi, wala kaming ganyan o nagkaisyu, never. Actually, we never had a talk regarding anything like this and sa umpisa I got to know her, I brought her to a few of my films, she seen of my films and we never spoke about it and I can see that she’s not at all affected kasi hindi mo maitatago ‘yan from a girl’s point of view. Maitatago mo ba ‘yan? She herself wants to go here to support me, since she knows how excited of me makita ‘yung pelikula.”

Kuwento ni Jennylyn, never silang nanood ng boyfriend niyang si Dennis Trillo ng kanya-kanyang pelikula.

Sa mga eksenang nag-aaway sina Derek at Jennylyn, inamin ng aktres na hindi siya masyadong nakaka-relate dahil hindi naman daw siya ganu’n makipag-away.

“Wala naman akong ganu’n, hindi pa ako umabot sa ganu’n,” saad ng aktres.

‘Yung eksenang nagyoyosi si Derek naka-relate nang husto si Jennylyn dahil ayaw niyang makaamoy ng usok ng sigarilyo sa totoong buhay.

Tinanong namin na sa mga naging karelasyon niya ay hindi pa siya nagbanggit na gusto na niyang magpakasal.

“Wala, wala naman. Kilala n’yo naman ako, wala hindi ako nagtatanong,” natatawang sabi ng aktres.

Makatotohanan at maganda ang acting nina Jennylyn at Derek sa All of You kaya malaki uli ang laban nila sa Best Actress at Best Actor category sa 43rd Metro Manila Film Festival awards night.

Sa Lunes, Disyembre 25 na mapapanood ang lahat ng entries ng MMFF kasama ang All of You mula sa direksiyon ni Dan Villegas produced ng Quantum Films, MJM Productions, Globe Studios at Media A.