Ni NITZ MIRALLES

ANG ganda-ganda ni Kris Aquino sa cover ng People Asia magazine. May nagtsika sa amin na ‘yung damit niya sa cover ay kasama sa design ni Michael Cinco na gagamitin sana ni Kris sa shooting ng Crazy Rich Asians. Kaya lang, maraming dalang gowns si Kris nang mag-shooting sa Singapore, na hindi niya nagamit lahat.

kris_ new copy

Ang isa sa mga iyon ang isinuot ni Kris sa pictorial niya para sa People of the Year na nagmistulang prinsesa siya.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Gumaganap siyang prinsesa ng isang Asian country sa naturang Hollywood movie.

Sa December 31 pa ang balik nina Kris at mga anak na sina Josh at Bimby from their vacation at manggagaling na sila sa Hong Kong. Nasa Tokyo sila ngayon at sa Dec. 26, aalis na sila sa Japan at dadaan muna ng Hong Kong bago bumalik ng Pilipinas.

Wala pa sa bansa sina Kris ‘pag ipinalabas na ng PLDT Home starting December 23 ang tour sa bago niyang bahay.

Kasamang ipapakita ang five Christmas Tree sa loob ng bahay ni Kris.

Bakit lima? Dahil may sariling Christmas Tree si Kris, may Christmas Tree si Josh, may Christmas Tree si Bimby, at may family Christmas Tree sa sala nila para sa mga bisita at may maliit pang Christmas Tree sa kitchen.

Ang saya lang, di ba, kanya-kanya sila ng Christmas Tree.

“Finally powered by @pldthome our long promised peek into as Bimb said “our humble abode”-part 1 of several uploading Dec. 23...from Kuya Josh, Bimb & me-we love you! Thank you for all the doors you consistently help open for us.”