Ni NORA CALDERON

PAREHONG mag-i-enjoy sa kani-kanilang Christmas vacation with their respective family sina Alden Richards at star Maine Mendoza.

Alden Risa Angel copy

Kitang-kita na napakasaya nila sa pagkakaroon ng sapat na panahon para makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay dahil sila mismo ang nagpo-post ng kani-kanilang pictures at Instagram stories. Si Alden, sa pag-alis pa lamang sa NAIA last December 19, nag-post nang kasama ang amang si Daddy Bae, sina Lola Linda at Lolo Danny, ang mga kapatid na sina Risa at Angel (ang older brother niyang si RD ay naka-base na sa San Francisco, California), cousin April Penaranda, ang yaya niyang si Ate Virgie at ang caregiver ni Lolo Danny. Bale siyam silang lahat.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Diretso sila sa Oita Prefecture sa Kyusho Island sa Japan. Sa palagay namin, gusto ni Alden na dalhin ang pamilya niya sa pinagbakasyon a few months ago ng Dabarkads ng Eat Bulaga. May pagka-provincial ang lugar pero maganda talaga at may post si Alden na nasa one degree centigrade ang lamig doon.

Mananatili raw sila roon ng four days bago pumunta sa cities ng Japan. May kapatid si Daddy Bae sa Osaka, si Maritess Cordova, mother ni April. So the rest ng nine days Japan vacation nina Alden ay sa city na nila palilipasin, doon na rin sila magsi-celebrate ng Christmas.

Touching ang post ni Risa ng pictures nilang magkakapatid habang tinutulungan nila ni Alden na suotan ng jacket si Angel at pagkatapos ay niyakap sila ng kanilang kuya. Dahil walang iniisip na trabaho, sama-sama silang kumakain na madalang magawa ni Alden kapag nandito siya sa Pilipinas. Nag-post din si Alden ng White Christmas na nasa snow siya.

Aligaga naman ang Aldub Nation dahil wala pa silang nakikitang post na picture ni Maine, kung natuloy at kung saan ang family Christmas vacation nila. Hindi namin sure kung kailan sila umalis ng bansa ng mga kapatid na sina Nico, Coleen at Dean. Pero December 19 din nag-post sa Instagram story si Dean na nasa Universal Orlando Resort sila. So alam nang nasa Florida ang magkakapatid. May sister naman si Nanay Dub, Mary Ann Mendoza sa Jacksonville, Florida.

Wala pa lamang picture na lumalabas ni Maine noong una, kaya may mga nagtatanong kung kasama raw ba si Maine.

Habang sinusulat namin ito, saka lang nag-post si Maine sa kanyang Instagram story na magkakasama silang magkakapatid sa Universal Islands of Adventure at caption ni Maine: “Dean’s first ever rollercoaster ride! We are all so proud!”

Dagdag pa ni Maine: “By far my favorite rollercoaster. Intense!” Hindi na yata nakasama ang mag-asawang Mendoza at ang panganay nilang si Niki at husband John at anak nilang si Matti.

Hanggang December 27 sina Alden sa Japan, si Maine hindi namin alam kung kailan sila babalik ng Pilipinas, pero siguradong nasa Eat Bulaga na siya sa January 1, 2018 dahil live na ang long-running noontime show.