NAGPAKITANG gilas ang tropa ng Philippine Wushu Team sa naiuwing dalawang ginto, isang silver at dalawang bronze medals sa kanilang pagsabak sa First Sanda Asian Cup na ginanap sa Guangzhou, China.

Pinangunahan nina Arnel Mandal at Divine Wally ang pagsungkit ng ginto sa Men’s 52 kilogram at women’s 48 kilogram, ayon sa pagkakasunod.

Pinataob ng 21-anyos na si Mandal ang mga kalaban buhat sa Hongkong, India at Vietnam, na siya ring top four sa katatapos na Asian championships.

Samantala, nakalaban naman ni Wally kontra sa mga kalaban nito buhat sa South Korea at Vietnam, habang si Hergie Bacyadan naman ay nakapaguwi ng silver sa 65 kilograms category.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sina Clemente Tabugara Jr. at Carlos Baylon naman ay naguwi ng silver din sa men’s 65 at 56 kilograms ayon sa pagkakasunod. - Annie abad