Hindi na nakaporma pa ang isang security guard, na ikaanim na most wanted sa Caloocan City at umano’y dalawang beses na nanghalay sa menor de edad niyang kapitbahay, nang dakpin siya ng mga pulis sa pinapasukang trabaho sa Maynila, nitong Sabado ng hapon.

Nahaharap sa dalawang bilang ng rape na may kaugnayan sa Anti-Child Abuse Law (RA 7610) ang suspek na si Juanito Santos, 57 anyos.

Naaresto si Santos sa binabantayan niyang establisimyento sa Abad Santos, dakong 2:00 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 140.

Batay sa record ng Caloocan Police, si Santos ang itinuturong nanghalay sa isang 13-anyos na babae sa kanilang lugar noong Marso 5, 2017 at Hunyo 14, 2017 hanggang sa mabuntis ang dalagita.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Depensa naman ni Santos, hindi niya hinalay ang dalagita at siya lamang ang itinuro ng pamilya nito dahil galit sa kanya ang tiyuhin ng biktima.

Nakapiit ngayon sa Caloocan City Jail si Santos. - Orly L. Barcala