Ni Beth Camia

Sinuspinde ng Malacañang ang trabaho sa gobyerno sa Disyembre 26 at Enero 2, parehong Martes.

Base sa Memorandum Circular No. 37, na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, sinuspinde ni Pangulong Duterte ang pasok sa gobyerno upang mabigyan ng pagkakataon ang government employees na makapagdiwang ng Pasko at Bagong Taon kasama ang kani-kanilang pamilya.

Saklaw ng memorandum circular ang mga nasa government-owned na controlled corporations, government financial institutions, state universities and colleges, local government units at iba pang agencies instrumentalities.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Gayunman, nakasaad sa memorandum circular na ang mga ahensiya na may kinalaman sa pagbibigay ng basic at health services, preparedness/response disasters and calamities at iba pang vital services ay kinakailangang magpatuloy sa kanilang operasyon.

Ipinauubaya naman ng Palasyo ang desisyon ng suspensiyon sa trabaho sa pribadong sektor, at sa independent commissions at bodies.