Ni Lyka Manalo

BATANGAS CITY - Patay ang isang 26-anyos na binata makaraan umanong malunod habang naglalangoy sa karagatang sakop ng isang resort sa Batangas City.

Kinilala ang biktimang si Rogelio Bongalos, driver, at residente ng Cabuyao, Laguna.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 1:00 ng hapon nitong Martes at naglalangoy ang biktima sa dagat na sakop ng Monte Carlo Beach Resort sa Barangay Pagkilatan nang malunod.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Umabot ng mahigit tatlong oras ang retrieval operations na isinagawa ng mga operatiba ng Philippine Coast Guard (PCG) at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Natagpuan ang biktima, may 50 metro ang layo sa dalampasigan at sa may 50 talampakan na lalim na bahagi ng dagat.

v