PALAYAN CITY, Nueva Ecija – Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Palayan City Police ang pinaghihinalaang miyembro ng sindikato na sangkot sa serye ng gun-for-hire, robbery/hold-up at gun running activites, Miyerkules ng umaga.

Arestado si Roderick Rugayan, nasa hustong gulang, may asawa, ng Barangay Sapang Bato, na miyembro umano ng “Peralta Group” na sangkot sa ilang krimen sa lugar at karatig na mga probinsiya.

Dinakma si Rugayan sa bisa ng search warrant sa illegal possession of firearms, at nasamsam umano mula sa kanya ang isang .40 caliber Norinco pistol, anim na bala nito, tatlong magazine clips, at 13 basyo ng bala nito. - Light A. Nolasco

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog